Paano Gumawa ng Blog sa Blogspot | PROSIDYURAL
Ang paggawa ng blog sa Blogspot ay madali lamang sundan. Una, buksan ang browser at pumunta sa website na blogspot.com. Mag-log in gamit ang iyong Google account. Pagkatapos, i-click ang “Create New Blog.” Piliin ang pamagat at disenyo ng iyong blog. Sunod, i-click ang “New Post” upang magsimula sa pagsulat. Ilagay ang pamagat ng iyong teksto sa itaas. Isulat ang nilalaman ng iyong blog ayon sa hinihinging uri ng teksto. Siguraduhing maayos ang talata at pangungusap. Basahing muli upang maiwasan ang mali. Kapag tapos na, i-click ang “Publish” upang maipost ang iyong blog. Suriin kung tama ang pagkaka-upload ng iyong gawa. Kopyahin ang link ng iyong blog post. Ibahagi ang link sa inyong group chat ayon sa panuto ng guro. Sa ganitong paraan, matagumpay mong naipasa ang iyong gawain.